"Pishbols", " Kwek-kwek", " Samalamig"... Ang mga bida sa lahat ng kalye sa Pilipinas. Kahit sa kalagitnaan ng Ortigas Business District. Pamatid gutom sa mga commuter at trabahador na umaagos sa bawat sulok ng kalye na parang alon - dagat ng mga namumutlang mukha at nangingintab na mga mata. Kanya kanyang muni muni. Kanya kanyang diskarte sa buhay. Minsa'y sablay. Minsay sakto lamang.Mismo.
Tulad ng mga pagkaing kalyeng ito. Minsay bitin. Minsay sablay ( na inaabot sa banyo o sana'y hindi - tipos ) at minsan nama'y sakto lang.
Ayos na.
Pamatid gutom. Pamatid uhaw. Pamatid putla.
Pandagdag kulay
sa medyo
malabu labong buhay.

No comments:
Post a Comment